Nang I-random Questions Ko ang Sarili Ko…Mahaba-haba ang Naging mga Sagot

Random questions. Inspired mula sa nabasa ‘kong akda ni Juan Ekis, ang Twenty Questions. Nakagawian ko na rin ang magtanong ng kung ano-ano sa mga kaibigan ko, madalas sa mga kasamahan ko sa trabaho ‘pag nagkakataong nakatambay kami sa pantry, para magkaroon ng mapag-uusapan at syempre para na rin makilala sila ng husto.

At ngayon ngang bakasyon ako sa pagtatrabaho, namiss ko na rin ‘tong gawin. Kaya oras naman para i-random question ang sarili ko. Tingnan natin ang mga tanong at mga sagot na ngayon ko lang din pagsasama-samahin.

1. Ano ang paborito mong kulay? (Syempre mga madadaling tanong muna, mamaya na ang mahihirap.)

SAGOT: Black at Green. Pagdating sa gamit (sapatos, damit, gadgets, bags) karamihan talaga ng pinipili ko eh kulay itim. May pagkakataon pang ‘pag binuksan mo ang black kong bag eh camouflage ang mga gamit sa loob. Puro black din kasi tulad ng wallet, pouch na lalagyan ng vanity kit, cellphone, lalagyan ng cellphone, planner at kung anu-ano pa.

Green naman pagdating sa mga bagay sa paligid- kulay ng pader, upuan, wallpaper sa computer/laptop, kobre kama at mga punda ng unan. Malamig kasi sa mata. Hindi masakit tingnan.

2. Ano ang paborito mong pagkain? (Madaling tanong ulit. Hahaha!)

SAGOT: Bilang taong madalas eh walang kapaguran sa pagkain (ang motto ko kasi, ‘Habang may pagkain, kumain ka.’), marami talaga akong paboritong pagkain. Syempre nariyan na ang rocky road ice cream, black forest cake lalo na ng Red Ribbon, cheesecake at carbonara ng Coffee Alley (paborito kong hideout/resto sa Tektite Building sa Ortigas), gravy ng KFC (kung pagkain man ‘tong maituturing), pati fries, mashed potato, steak bowl, chicken ng KFC (o sige, buong KFC na!), pizza lalo na ng Yellow Cab at Shakey’s, at cupcake, muffins at cookies ng Mrs. Fields.

Pagdating sa ulam, syempre ang all time fave kong Pinakbet ay hindi mawawala sa listahan, pati na ang monggo, chicken curry, chicken adobo, atay at balun-balunan na may kasamang puso ng manok na inadobo rin, pati adobong pusit at pritong tilapia! Ang sarap!! Muntik ko nang makalimutan, chocolates!! Kahit anong brand basta tsokolate- hani, chocnut, fun chocolate, lala, toblerone, hersheys, cadburry at maraming-marami pang iba. 😀

3. Ano ang paborito mong inumin? (Syempre ‘pag may pagkain, dapat may inumin din.)

SAGOT: KAPE. KAPE PA. KAPE ULIT. Ay Tanduay Ice din pala! Lahat ng flavours. At ngayon, paborito ko na rin ang TUBIG. Ayoko nang maospital ulit dahil sa pamamaga ng lalamunan. Ang sakit eh. Nakakapanghina ng buong katawan.

4. Kung bibigyan ka ng pagkakataong makalabas ng Pilipinas para mamasyal, saan mo gustong pumunta? 

SAGOT: Sa Espanya. Ever since the world begun, dito ko na talaga gusto pumunta. Sa Barcelona o kaya sa Madrid. Basta kahit saan dun. Pero sana bago ako makarating ng Spain (Yesss! Hopeful talaga ako) eh makapunta muna akong Baguio dito sa Pinas. Anong petsa na o?!

5. Kung mag-aaral ka ulit, anong kurso ang kukunin mo? 

SAGOT: Masteral degree in Communication Research o kaya Public Adminsitration. Pwedeng Bachelor’s degree ulit- Sociology o kaya Political Science o kaya naman Journalism. Kailan kaya ‘to mangyayari? Haaaay…

6. Sinong pinakanamimiss mo? (Ayan, medyo seryoso na.)

SAGOT: Ang Papa ko. Magsasampung taon na namin siyang hindi nakakasama. Nakakamiss lang. Sobrang cool kasi ng Papa ko. Hinehele pa ‘ko nun kahit malaki na ‘ko tapos sa tuwing masasama ako sa Top 10 o kaya sa honor roll, lagi siyang may sorpresa sa ‘kin. Madalas pagkain. Jollibee pa nga noon. 😀

7. Na-inlab ka na ba? (Seryoso na nga. Boom!)

SAGOT: Oo naman. Ayoko nang i-elaborate pa.

8. Ano ang makakapagpainit ng ulo mo? 

SAGOT: Marami eh. Una, kapag pinapakialaman ang gamit ko. Kahit ano pa ‘yan, basta gamit ko, ayokong pinapakialaman. Kung paano ko iniwan yung mga gamit ko sa kama, o kaya sa lamesa eh dapat ganun ko pa rin madaratnan pagbalik. Malalaman at malalaman ko kapag naiba yun ng ayos.

Pangalawa, yung mga babaero, cheater, two-timer, mga nakikiapid tapos kung umasta eh akala mo parang walang nangyari. Naku naku naku!!

9. Sa edad mo ngayong 24 na mag-25 na, sa tingin mo ba magkaka-boyfriend ka pa? (Ang harsh ng tanong sa sarili! Haha!)

SAGOT: Oo naman. Kahit bukas pwede na eh, ayoko lang talaga. Yun eh! Pero seryoso, oo nga talaga. Hindi pa nga lang ngayon o bukas. Hindi pa kasi siya dumarating eh. Ilang taon pa ba akong maghihintay? 😀

10. Ilang taon mo balak mag-asawa? (Pinakaseryosong tanong na ‘to. Pag-isipan nang mabuti ang isasagot.)

SAGOT: Wala pa ngang boyfriend, asawa pa kaya? Well, sa lagay ko ngayon, baka abutin na ‘ko ng 30 nito. Kung magkakaboyfriend man ako sa sunod na taon, eh nasa 26 na ‘ko nun. Tapos mga tatlong taon ang getting to know/exclusively dating/courtship stage. Tapos engagement at ang pinakahihintay ko nang kasal. Yesss!

Pero ang lahat ng ‘to eh ‘estimate’ ko lang naman sa ngayon. Hindi ko naman alam kung ano pa ang pwedeng mangyari sa hinaharap o may mga bagay ring hindi na talaga mangyayari. In the end, let the Lord’s will be done in my life. Okay na okay na ‘ko dun. 😀

Ipagpapatuloy…

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s