Month: May 2014

Kahit Papaano

Hindi ko alam..pero pakiramdam ko napakamailap ng pag-ibig sa ‘kin- iyong pag-ibig na totoo, wagas at pangarap ng bawat isa. Hindi na rin naman ako bumabata. Naiinggit lang siguro ako dahil karamihan sa mga kaibigan ko simula pa noong highschool at college eh mayroon nang mga mahal sa buhay. ‘Yung iba pa nga eh nagpakasal na at ilang buwan na lang ay makakabuo na talaga sila ng isang pamilya. Masaya naman ako para sa kanila. ‘Yun nga lang, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inggit. O baka namimiss ko lang din ang may sinisinta, ang may inaalagaan at oo, ang may minamahal.

Ang hirap lang, iyong taong minahal mo nang higit apat na taon eh hindi rin naman mapupunta sa ‘yo. May tatlong taon na rin akong nasa ‘moving on’ stage. May epekto pa rin sa ‘kin kapag nakikita ko ang mga larawan niya sa Facebook. Kumbaga may kirot pa rin sa puso. Noong isang araw lang habang tumitingin ako ng mga litrato online, binalak kong burahin na ang album kung saan kasama siya sa mga kuha. Kaso naisip ko, sayang. Sayang naman kung buburahin ko ‘yun. Isa kasi ‘yun sa mga naiwan niyang magandang alaala sa ‘kin. Naging masaya rin naman ako. Sobrang saya na hindi ko na naisip na maaari rin pala itong matapos. Kaya noong dumating na ‘ko sa ‘ending’, nahirapan talaga akong tanggapin na tapos na nga kami..kung ano man ang mayroon sa pagitan naming dalawa.

Wala naman akong magawa. Dapat pala nung una palang, ako na ang lumayo. I should’ve been the one who got away. Kaso hindi iyon ang nangyari.

Hindi ko na mababalikan ang nakaraan. Ayoko na ring gawin ‘yun. Kapag patuloy akong nabuhay sa kahapon, ako lang din ang kawawa.

It takes time before one can fully move on and let go of the bitter past. I’m definitely taking my time.

Paunti-unti. Paipod-ipod. Kahit ‘baby steps’ sa ngayon, ang mahalaga nakakamove on na ‘ko kahit papaano. 🙂

Advertisements