Noong Magkasama Pa Kami

Etong taong ‘to, nakilala ko nung 1st year college kami, taong 2006. Kaklase ko siya. Naging magkaibigan kami kinalaunan. Malapit na magkaibigan.

Hindi siya gwapo, pero may ‘something’ sa kanya kaya sa klase namin siguro mga tatlo o higit pa ang nagkagusto sa kanya. Sige aminin na natin, kasama na ko dun.

It started with a text. Yung text na may graphics saying ‘hindi mo ba ko rereplyan? Piso lang ang text..pisooooo!’ Tapos simula nun naging magkatext na kami.

Kaya siguro ako nadevelop (ayokong gamitin ang ‘nahulog’ eh) sa taong ‘to kasi may sense sya kausap. Malalim na tao at mabaet, sweet, thoughtful, natatagalan ang kasungitan ko at alam ko nung mga panahong iyon lagi lang siyang nandiyan para sa ‘kin.

Siya rin yung taong nakita na ‘kong bagong gising, may muta pa sa mata at haggard na.

May isang pagkakataon..ahmmm..maraming pagkakataon pala, na sa bahay nila kami nag-oovernight para pagpuyatan ang isang research work. Pag magkatabi kami, alam mo yung parang may kuryente sa loob ko.

May isang gabi din na magkatabi kami natulog nang nakaupo kasi wala ng space sa kwarto nya. Nilagay nya yung ulo ko sa balikat nya at magkahawak kami ng kamay habang natutulog.

Inamin nya saken na gustong-gusto nyang hinahawakan yung kamay ko. Kapag may pagkakataon, hahawakan nya kamay ko, kaliwa o kanan. Minsan dalawa pa nga eh. Siya mag-iinitiate maghawak kami ng kamay kahit sa labas kami kumakain para magpray.

Hindi naging madali ang college life. Lalo na para sa ‘kin sa aspeto ng love life, sa kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya. Dalawa o tatlong taon silang naging magkasintahan ng isa naming kaklase. Pero malapit pa rin kaming magkaibigan nun. Umabot sa puntong selos na selos na saken ung gf nya kaya kinonfront ako sa isang public place and all I can do was cry. He didn’t have the guts to approach me and console me that time. Naiintindihan ko naman kasi gusto lang nya umiwas sa isyu at baka lalo pang magalit ang gf nya.

Nagbreak din sila ng tuluyan ng gf nya nung grumadweyt kami. Dun kami nagkaroon ng time na mas magkasama. We see each other more often. Yung kaming dalawa lang. We text and call each other. Madalas sya ung tumatawag. Tatawag siya mga 3am tapos mag-uusap kami. Magkakamustahan. May time pa nga na tapos na yung call pero wala sa ‘min ang gusto mag-hang up. Klasik lang.

Tapos may time na pag tinetext ko sya telling him to call me because I needed someone to talk to, in 5 minutes tatawag na sya para kausapin ako. And then I can tell him what’s going on and why I needed someone to talk to. It’s a relief to always have him by my side, kahit hindi literal. Lahat nasasabi ko sa kanya.

After college, nainvolve ako sa isang officemate, well let’s say it’s infatuation. So I told him about this officemate and kung gano ko sya kagusto. Siguro defense mechanism na rin para masabing I have someone else. Na hindi lang sa kanya umiikot ang mundo ko. Na hindi lang siya ang lalaki sa buhay ko. Pero tulad nga ng sabi nila, tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Siya pa rin talaga eh.

Masaya ako pag magkasama kami. Masaya ako pag hinahatid nya ko pauwi. Masaya ako pag magkasama kaming dalawa sa bus, magkatabi at magkahawak ng kamay. Masaya akong mahalin siya.

Masaya. Pero hindi nagtagal, naging masakit na rin. Mas masakit pa sa inaasahan ko.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s