Category: Shorts

SHORTS: Wishful Thinking

“I really should have known better.” I told myself after that hell of a night.

 

Time flies. I hope memories fly away with them too.

 

People change. I hope I change that fast as well.

 

And they forget. I hope I never knew you in the first place.

 

Four years in vain. Oh no, wait, that was six. Yeah six years. I hope…I really hope I’d stop counting soon.

 

Damn it.

Advertisements

SHORTS: Isang Tagpo sa UPD

Sa labas ng Plaridel Hall. Habang naghihintay sa ibang kasama.

 

“O, dito ka pala?! Ano course mo?”

“Ah BroadComm ako. Dito rin ate ko, ComRes siya,” ani ng dati kong kaeskwela.

“Talaga? Ang galing naman,” sagot ko nang abot tenga ang ngiti.

Sa isip-isip ko, “wow, ComRes sa UP! Astig nun! Kami kasi sa PUP nagsisimula pa lang. Sa UP matagal nang established ang course at madugo nga daw talaga sa UP. Marami kaming matutunan sa kanila lalo na sa thesis writing.”

“ComRes din ako! Sa PUP naman!” dagdag ko. Syempre, proud din ako sa course at school ko. At naexcite talaga ako!

Sabay tingin siya sa ‘kin at sinabing, “Eh siya UP.”

 

End of conversation.

Bahagyang nalungkot at nainis ako. Uwi na lang.

SHORTS: Kwentong Durog Circa 2010

Meron akong kilala noon na isang freshie, babae (tawagin natin siyang G) na gustong-gusto si Kuya (tawagin natin siyang P), crush kumbaga.

Itong si G mas bata kay P ng tatlong taon. Kakatuntong pa lang niya sa kolehiyo tapos etong si P eh pa-graduate na. Sa sobrang pagkahumaling kay P pati yung poster na naglalaman ng pangalan niya eh tinanggal niya sa pagkakadikit sa dingding sa may kolehiyo nila (remembrance daw nya yun eh at may kakuntsaba siyang kaibigan nung ginawa yun). Ang nakalagay sa poster ay ‘Congratulations <insert name here> for Winning <insert competition’s name here>’. Magaling kasi itong si P sa napili nyang larangan at masasabi mong may future talaga siya dito.

Yun lang may gf na pala si P na nung una ay ayaw paniwalaan ni G kasi nga hindi pa nya nakikita. At dumating na nga ang pagkakataon para makilala niya ito. Nangyari ito sa may Charlie Del Rosario. Nakatambay sila noong magkakaibigan- si G at ang mga kaklase nya nang biglang…

NV

Friend: G tingnan mo tingnan mo..si P nandiyan!

G: Ha?? Saan??

Friend: Ayan na o! Nakashades kasama gf.

G: (lumingon at dun nya unang nakita si P na may kasamang babae, gf nga nya. Todo akbay si P kay gf, akala mo wala nang bukas).

Katahimikan.

.

.

.

Katahimikan.

Friend: O okay ka lang? Yaan mo na yun. Ay wait..may pupuntahan lang ako saglit. Babalikan kita dito. (Sabay abot ng ipod nya para makapagsoundtrip si G).

Pagsuot ni G ng earphones, sakto naka-radyo lang. Eto ang kanta…

‘Where do broken hearts go..can they find their way home..back to the open arms of the one who still cares..’

At ayun, ang ka-emohan ni G mula level 3 nagshoot pa-level 10! Pakiramdam niya noong mga panahong yun, buong paligid niya makulay at siya lang ang black and white (credits to Ang Lalaking Black and White ni Bb. Cahiles. Gamit na gamit ko ang line na ‘to eh.)

Buhay nga naman. Yun ang una niyang heartbreak bilang isang college student. Ang alam ko, makalipas ang pitong taon, nakatago pa rin ang poster na yun.

Si G single pa rin pero masaya sa buhay.

Si P masaya rin… kasama ang dalawa niyang anak.

Alam ko.

Ako kasi si G.

SHORTS: Matapos ang Buong Araw ng Trabaho Circa 2013

Nagpapakasubsob sa amoy ng libro. Maya-maya’y nagsa-soundtrip na at sinabayan pa ng pagbabasa ng mga posts sa university page namin (multi-tasking na ito).

Hindi ko mapigilang mangiti o kaya’y matawa o kaya naman’y mainis sa samu’t-saring kwento ng mga kapwa ko Iskolar ng Bayan. May ilang paksa na ayoko na sanang isinasapubliko pa doon, pero ganun talaga, freedom of expression, ‘yaan na lang.

Alam kong nagmumukha na ‘kong abnormal minsan (madalas na yata?). Buti na lang walang reaksyon ‘tong kaharap ko ngayon. Madalas kaming nagkikita at nagkakasama pagpatak ng alas-tres ng hapon kapag hindi ako umuuwi sa ‘min. Iisang tagpuan lang – sa may sulok ng pantry. Okay din ‘to eh, tahimik. Kumbaga go with the flow lang sa kung ano ang trip ko sa buhay.

Sabagay, ano nga ba naman ang masasabi at maire-react ng PADER sa ‘kin? Haha! Apir! 😀

SHORTS: Isang Dapit-hapon Circa 2011

Biglaan lang ang pagkikita namin noong araw na ‘yon. Ayaw ko na nga sanang tumuloy kaso noong babawiin ko na ang pagpayag ko eh nakasakay na siyang MRT patungong Shaw Boulevard.

Nauna akong makarating sa lugar ng tagpuan namin – sa Krokodille Grille sa labas ng EDSA ShangriLa Mall, kung saan na rin kami maghahapunan. Umorder na ‘ko ng pagkain habang hinihintay siya at tinira na rin ang isang basong iced tea na nasa harap ko.

Makalipas ang 10 hanggang 20 minuto, dumating na siya. Same old. Nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok, suot ang isang simpleng t-shirt at butas-butas na pantalon, at klasik na Chuck Taylor, gamit ang paborito niyang ‘body bag’ na parang hinabi sa abaca ang pagkakagawa.

Madali lang naman niya ‘kong nakita dahil pinili kong pumwesto sa labas ng restaurant. Pagkakita sa ‘kin hindi na siya nag-atubiling pumwesto sa upuang katapat ko sabay bungad ng, “O, musta Grace?”

“Kumain ka na muna diyan,” sagot ko.

 

Nabusog naman kami pareho. Umorder pa ‘ko ng dalawang bote ng Tanduay Ice nu’n eh – ang paborito kong inumin bukod sa kape.

“Ang lungkot mo,” ani niya.

Katahimikan…

“Hindi na kasi ako masaya. Hindi naman ako makaalis ng ganun-ganun na lang,” sagot ko sa kanya habang pinipigilan ang pagbuhos ng emosyon.

Wala na siyang nasabi. Nakatingin lang siya sa ‘kin. Nakatingin lang din ako sa kanya. Sapat na ‘yun. Sapat nang malaman kong kahit papaano eh nagkaroon ako ng kahati sa kalungkutan ko.

Dapit hapon na. Kailangan na naming maghiwalay. Tumakas lang din kasi siya sa opisina para samahan ako. Bago siya umalis, sinigurado niya munang hindi ako maiiwang mag-isa. Sakto dahil nandun din malapit sa mall ang isa sa pinakamalapit naming kaibigan.

Nang masigurado niyang hindi ako maiiwang mag-isa, nagpaalam na siya.

Nakangiti na ‘ko.