There is Learning in Losing

There is learning in losing.

Na-inspire ako magsulat matapos kong mapanood ang isang episode ng Glee 5. Isa ‘yun sa mga episodes na naantig ang puso ko. Talo ang New Directions sa Nationals. Kahit ako nanghinayang. They’ve been wanting to win the National Tournament for the late Finn Hudson.

Noong innanounce na ang nanalo, napaisip ako, ilang beses na nga ba ako natalo? Ilang beses na nga ba akong umiyak dahil sa pagkatalo?

Umiral na naman ang pagiging emo ko. Hindi ko na naman tuloy mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

Ang dami. Ang dami-daming beses ko nang natalo.

Elementary. May isang grading period noong nasa Grade 6 pa ‘ko na nawala ako sa Top 10. Naging Top 11 yata ako nun. Takot. Lungkot. ‘Yan ang mga naramdaman ko. Big deal eh. Sobrang big deal kasi sa akin noon ang makapagtapos nang may medalya na nagawa ko rin naman kalaunan. Nakabawi ako nung 4th grading. Buti na lang.

Highschool. Sa paglipas ng mga taon, natanggap ko nang hindi habambuhay eh masasabitan ako ng medalya ng mga magulang ko. Special award na lang ako nung graduation ng Highschool- Class Artist, dahil kasali ako noon sa Teatro. Hindi na rin naman ganun katindi ang pagnanasa kong magkaroon ng medalya. Tanggap ko na eh. Salamat sa Trigo, Calculus, Algebra at Physics, napatunayan kong mas mahusay talaga ako sa Earth Science, Social Studies, English at Filipino.

College. Kamuntik na akong maging Cum Laude. 1.62 final GWA ko nun. ‘Yun nga lang may tres ako sa Inferential Statistics. Kaya nagpaalam na rin ako sa medalyang ‘yun.

Tinanggap ko na rin naman ang katotohanang mahina talaga ako sa malalimang usapan ng matematika. Pero noong kolehiyo, narealize kong may silbi naman pala ang mga pinaghalong letra at numero sa isang equation o sa isang sentence. ‘Yung mga natutunan ko sa Inferential Statistics, gamit na gamit ko ngayon sa mga pananaliksik at pag-aaral na ginagawa ko. Nakakatuwa lang.

Employee mode on. Dumating ang panahon para magtrabaho at kumita na ‘ko ng sarili kong pera. Sabi ko noon bago ako magmartsa na hindi na ako babalik sa pagsagot sa mga tawag ng mga taong nasa ibang kontinente ng mundo. Ayun, fail. Talo. Kinain ko mga sinabi ko. Matapos ang isang buwan simula noong grumaduate ako nagsimula na ‘kong magtraining ULIT (yung una nagworking student ako ng isang semester sa call center sa Makati) sa call center.

Hindi naging madali kainin ang pride, ang hiya, ang insekuridad. Naiinggit ako sa mga kasabayan ko noon na nagsimula nang mag-MA o kaya nasa isang research firm o sa kung ano pa mang organisasayon kung saan nagagamit nila ang mga natutunan namin sa apat na taong pamumuhay bilang isang Communication Research student. Sabi ko sa sarili ko, mas matalino pa ‘ko sa trabahong ‘to eh. ‘Yung mga gusto at dapat kong gawin, hindi ko naman maisasakatuparan dito. Pero mas pinili kong maging praktikal. Gusto ko makaipon para makapag-aral ulit. May kasama na ring takot dun- takot na lumabas sa comfort zone. Kahit kasi nakapikit, alam na alam mo na gagawin eh. Isa pa, napamahal na rin sa ‘kin ang mga katrabaho ko at kahit na ang mismong trabaho ko.

Call Center days. Sa higit tatlong taon kong pananatili sa trabahong ‘to, gabundok na stress at depression ang ininda ko. Samu’t-saring sakit sa katawan na halos itumba na ‘ko nang buong-buo.

Tuberculosis. Ayaw ko pang maniwala noon na may ganito akong sakit. Kumuha pa ‘ko ng 2nd opinion at umiyak sa harap ng doktor. Sabi naman niya hindi daw ako dapat matakot dahil hindi na naman ganun nakakamatay ang tb. May gamot na kasi para dito. Noong mga unang lingo, in denial pa ‘ko eh. Pero sa huli, kailangan ko ulit tanggapin na kailangang tulungan ko na ang sarili ko para gumaling. Siyam na buwan akong pabalik-balik noon sa doktor, bumili ng mga gamot at nasanay sa company ng sarili ko lang.

Severe acne. Grabe isa pa ‘to eh. Alam mo yung pakiramdam na ang panget-panget-panget mo dahil sa dami ng taghiyawat mo sa mukha. ‘Yung pagtitinginan ka at yung iba eh maglalakas pa ng loob na tanungin ka kung anong nangyari sa mukha mo. May mga pimples na naman ako dati pa pero bearable naman noon. Nung nagtrabaho lang talaga lumala ng husto. Mas nadepress pa ‘ko dito kesa sa tb eh. Dumating ako sa puntong tuwing pag-uwi ko galing trabaho eh magkukulong na lang ako sa kwarto at iiyak na lang ng iiyak.

Durog na puso. In other words, broken hearted. Ang oa lang? Pero pagdating talaga sa pag-ibig, I was never the first. Never nga ba? Well, sa isang kaso lang naman. ‘Yung sa iba wala na ‘kong pakialam. Sa taong sobra kong minahal pero wala rin namang napuntahan. Hindi natuloy sa isang relasyon, sa isang commitment. Talo ko eh. May iba siyang mahal. Pakiramdam ko naging rebound lang ako. Sa tinagal-tagal ng pagsasama namin, isa lang akong rebound. Panakip butas. Ito talaga naramdaman ko. Ewan ko para sa kanya. Marami akong tanong na naghahanap ng sagot. Pero sa kaso naming dalawa, mabuti pang ‘wag ko na lang ipilit ang paghahanap pa sa mga sagot na ‘yun. Ang daya lang. Ako tatlong taon nang nasa moving on stage. Siya, matagal nang naka-move on.

Nakakapagod. Nakakababa ng moral. At sobrang nakakadepress. ‘Yan ang mga naramdaman ko. Hinihiling ko noon, kahit isang beses lang manalo naman ako ng bonggang-bongga sa aspetong gusto kong mapanalunan. Obvious na naman ang kinalabasan. Nanalo ako. Nanalo ako dahil hanggang ngayon buhay pa ko. Peklat na lang ang nakita sa X-ray ko matapos ang siyam na buwang gamutan. ‘Yung mga taghiyawat ko, present pa rin pero hindi na naman ganun kalala. I know I have to live with these pimples forever.

Natutunan kong mahalin na rin ang math. Hindi ko na rin naman matatakasan ‘to. Pagdating sa tb, mas kailangan ko na talagang mag-ingat. Huwag masyadong magpakapagod at mastress. Ang acne, hindi naman talaga totally nakokontrol at sa kaso ko eh, hindi na talaga mawawala. Pero dapat pa ring laging maging malinis at huwag matutulog nang hindi naghihilamos. Kapag nadagdagan dahil sa puyat o kung ano pa man, chill na lang din. Panahon-panahon talaga kasi ‘yan eh.

Natutunan at napatunayan kong hinding-hindi ko talaga makakatuluyan ang aking greatest love. Dahil ang greatest love ko ay hindi ang correct love. At waiting pa rin ang status ko sa correct love na yan. Ilang taon pa baa ng bibilangin ko? Hindi bale, alam ko namang si Lord na ang bahala diyan.

Sa huli, marami pa rin talaga akong dapat ipagpasalamat. Looking back, I have realized how strong I’ve become and how God never left my side. Salamat rin sa pamilya at mga kaibigan ko.

Ayan, hindi na ‘ko masyadong emo. Totoo nga, there is learning in losing. Masakit matalo. Masayang manalo. Balanse lang. Ganyan talaga buhay. Salamat Lord sa lahat-lahat!!

16 thoughts on “There is Learning in Losing

  1. OMG! Naantig ako sa post na ‘to! At nakakarelate ako.

    Gosh, alam mo bang achiever rin ako back at Philippines. Lahat ng graduation mula preschool, elementary and high school I always had a medal. Tapos itong nagmigrate na ako ng Canada and attending university, I was really frustrated during my 1st year dahil sa sobrang intense ng pinag-aaralan, hindi natupad ang hiling kong maging isang dean’s lister man lang. I’ve set that goal to myself before I started university. Pero ayon, boom..hindi na natupad. Laslas noo na. lol.

    Alam mo yun, kasi nasanay ako na I’m always at the top of my game. Looking back, I regret the times that I did not attend any extra-curricular activities in my school at Philippines like clubs dahil gusto kong concentrated lang ako sa acads. I’ve always thought baka makasagabal kasi sila sa grades ko eh. If only I could turn back time, baka mas well-rounded akong individual ngayon. Naaalala ko tuloy yung valedictorian namin. She’s always the top of the batch-preschool, elementary and HS. Naging student council president, dance club member. In fact, ilang inter school competitions na nasalihan niya kaya matunog talaga ang pangalan nya. Tska sporty pa. Grabe lang noh, neseye ne eng lehet ang peg. hahahhaha

    Paminsan minsan, naiisip ko pa rin yun, pero sinasabi ko nalang sa sarili ko na MOVE ON na and make the best of the present and the days to come. Wala kasing time machine eh. At wala ring mangyayari kung magmumukmok ako. =)

    And like you, thankful ako kay Lord dahil hanggang ngayon nabubuhay pa rin ako kaya may magagawa pa rin akong maganda sa life ko 😀

    Totoo nga, there is learning in losing 🙂

    At yung pimples, nako nabibwisit din ako dyan, pero I chose nalang not to fuss too much on them and alagaan ko nalang ang sarili ko.

    Like

  2. Salamat sa pag-appreciate ng post ko ha. Nakakatuwa naman. You know it really feels good na kahit papano ay may nakakarelate sa mga istorya mo. Grabe ang galing ng valedictorian niyo ah! Halimaw! Yan ang tawag ko sa mga taong sobrang galing sa ginagawa nila- halimaw! Hahaha! Ako naman sporty rin na tao, kaso tamang laro lang din ako, never naman akong naging varsity.

    Mukhang ibang level nga ng acads sa ibang bansa. Syempre kasama na dun yung adjustment. Pero hindi lang naman medalya ang sukatan ng pagkatao. I mean we shouldn’t even use it para sukatin ang galing natin. Kumbaga bonus na lang yun. Masarap lang sa feeling na narerecognize ka, pero sa huli yung satisfaction na nararamdaman mo sa ginagawa mo even without the trophies and medals is what matters the most.

    At sa pimples. Hahaaaay..nagbibilang na naman ako ng taghiyawat ngayon. Pero ganun talaga. Lalo lang akong masstress pag nagfocus pa ‘ko dito.

    Anyway, may God bless you in all your endeavors. Cheers to a great life! :D.

    Liked by 1 person

  3. Nako, same lang tayo ng feeling girl. Nakakataba ng puso yung naging reply mo sa isang post ko kasi nakakarelate ka. Mehehe :))

    Well, sa university life ko, tanggap ko nang hindi ko na mababalik yung dati kong estado as a student back at Philippines. Basta ang ginagawa ko nalang, I excel my very best in studies. Andun pa rin nman yung attitude kong I don’t settle for a passing grade. I aim for at least an above average mark, unless sobrang hirap talaga ng subject kaya hinihiling ko nalang makapasa nalang ako. LOL.

    Pero minsan, I can’t help to think what would I be like if I was a college student there in Philippines. Would I be a dean’s lister? Hahahaah ang ambisyosa ko talaga 😛

    God bless you too! 🙂

    Like

  4. Gulat nga ako sa post mong ‘yun. Sakto din kasi sa ‘kin. Are you still studying? So diyan ka na talaga sa Canada for good? I’m pretty sure kung nandito ka sa Pinas mag-eexcel ka pa rin sa studies at maging Dean’s lister ka pa. Mukha naman kasing masipag ka mag-aral aside from the fact na matalino ka. 😀

    Go lang sa buhay! 😀

    Like

  5. I saw a like button sa ibang page, but not on my own page. Is it really supposed to be like that? Anyway, let’s continue to enjoy life! May mga ups and downs talaga ang buhay. But that’s what makes life worth living. Bless you! 🙂

    Like

    1. Haha flattered naman ako hihihi :”>

      And yes, for good na ‘ko dito sa Canada. Going on 3 years na on April 28. Sa totoo lang, back at Pinas pangarap ko na i-pursue ang Medicine, then Nursing ang kukunin kong pre-med. Actually nga nakapagtake pa ako ng entrance exam sa UST, and I passed. Tapos biglang dumating yung visa. Hahaha :)) sayang nga non-refundable na yung paunang binayad ko doon. Then, when I flew here to Canada, dala ko pa rin yung dream na ‘yun pero open naman ako sa posibilidad na baka siyempre magbago ang ihip ng hangin dahil ganon naman talaga ang buhay diba, lots of uncertainties.

      Then, I took the last year of HS muna dito for credits to university. Yung talagang univ na gusto ko mapasukan, hindi ako natanggap kasi yung English subject ko nung HS dito, lagapak ako eh! Well, nakapasa naman since 50 ang passing pero alam mo yun, pinababa yung gen. average ko kaya hindi nakapasok sa Nursing program ng 1st choice of univ ko. Pero thank God dun sa 2nd choice kong univ, nakapasok ako. Mas lenient pa kasi sila tumanggap before sa Nursing program.

      Tapos diba nakwento ko na sa’yo yung nangyari sakin pagsabak ko ng univ. Kaya nang tingnan ko yung mga requirements for med school, nako waley na waley na ‘kong pag-asa. Yung hinahanap na GPA pa lang, hindi ako pasok. Pero hindi naman ako nakaramdam ng hinagpis (yes ang lalim!) kasi siempre observing my performance, nakikinita ko nang hindi ako makakapasok ng med school. Accepted ko nang sa Nursing talaga ako. Kung papalarin, I’d take up Masters. Gusto ko rin sana maging isang sex therapist. (Ang weird ba? LOL)

      Jusko nag-nobela nanaman ako ahahha

      Liked by 1 person

      1. Haha! Ang haba nga ng reply mo. But it’s good, at least hindi ka madamot magkwento. Naku, ok lang yan, may mga tao talagang itinadhana para sa iba’t-ibang trabaho. Ako nga lately nangarap ako maging Statistician, kaso nung inevaluate ko sarili ko base sa performance ko nung college at performance ko ngayon pag nakakaencounter ng mga problems and equations, nasasabi ko na lang na libre nga naman talaga ang mangarap. At hanggang pangarap na lang ako. Mas bagay pa yata ako sa Sociology at Political Science kung kukuha man ako ng 2nd course.

        So kasama mo family mo diyan sa Canada? If so, then good for you. At least di ba sama-sama pa rin kayo and I’m sure they’ll support you in whatever career you would like to pursue.

        I’m sure you’ll be the best nurse in town! 😀

        Liked by 1 person

  6. About liking comments, well yung iba basta andun nalang yung “like this” na button in every comment eh. Di ko lang sure kung na-cu-customize ba yun or what. Bago bago lang din kasi ako sa wordpress eh. :p Pero in every blog post, that’s for sure may like buttons (together with the sharing buttons) and sure akong nacucustomize yun. 🙂

    Like

  7. Ayun I figured out, yung sa’yo if u want like buttons on your comments, make sure andun ka under ng MY BLOG tab. click SHARING. Scroll down ka makikita mo it’ll say ‘comment likes are’ then check mo yung box that says ‘on for all comments’ then save changes of course 🙂

    Liked by 1 person

Leave a comment