Diary ng Panget the Movie: Bakit at Ano bang Napala Ko Dito?

Image

 

Pinanood ko ‘to noong isang araw. Nagkaroon kasi ako ng pagkakataon kaya sinunggaban ko na kahit pa solo flight na naman ang peg ko.

Hindi ganoon karami ang tao sa sinehan. Siguro kulang-kulang bente kaming nanood nun.

Bakit nga ba ako naglaan ng halos dalawang oras at gumastos ng 230php para sa pelikulang ‘to?

Una. Nacurious ako. Matagal-tagal ko na rin kasing naririnig ang tungkol sa librong Ang Diary ng Panget. ‘Yung bunso kong kapatid na humaling na humaling sa KPop at Wattpad nakuha pang magdala ng ganitong libro sa bahay. Hiniram yata niya sa kaklase.

Pangalawa. Nakakakilig ang napanood kong trailer. Aaminin ko, kinikilig ako sa kagwapuhan ni James Reid. May recall pa sa ‘kin ‘yung themesong na No Erase na kalaunan ay hinanap at dinowload ko na rin mula sa Youtube.

Pangatlo. Mga bagets ang bida kaya siguradong wala masyadong kissing scenes, sampalan, sigawan, bugbugan moments dito na talamak sa ibang adult Pinoy romance films. Kumbaga, tamang kilig at pampagood vibes lang ang pelikulang ‘to.

Pang-apat at panghuli. Dumating ako sa meeting place nang maaga ng tatlong oras. Kailangan kong aliwin ang sarili ko habang hinihintay ang kasama ko. Mahaba-haba ang tatlong oras para palipasin sa loob ng mall.

Eh ano nga bang napala ko sa panonood nito?

Una. Kinilig ako sa mga eksena nila Eya at Cross. Yun na.

Pangalawa. Natuwa naman ako sa mga eksena nila Eya at Chad, Eya at Lori, at Lori at Chad. Pati na rin sa ilang eksena ni Candy Pangilinan. Ang kulit lang ng karakter ni Candy bilang mayordomang nagtatapang-tapangan/ nagsusungit-sungitan. Bagay na bagay sa kanya. Paborito kong eksena nila Eya at Chad ‘yung sa carinderia kung saan sila unang nagkakilala. ‘Yung mga banat kasi ni Eya eh, muntanga lang. In fairness naman kay Nadine Lustre, nabigyan niya ng hustisya ang linyang, ‘Take out?’ At si Andre Paras, okay siya ah. Hindi siya ‘awkward’ umarte.

Pangatlo. Nakapagpahinga ako ng bongga sa sinehan. May higit 30 minuto rin kasi akong nagpalibot-libot sa mall dala-dala ang backpack kong naglalaman ng tatlong theses. Nakakapagod rin kaya laking ginhawa noong naipahinga ko na ang pwet ko sa malambot na upuan.

Pang-apat at ang pinakaimportante. Nakaubos ako ng dalawang oras sa panonood ng pelikulang ‘to. Sakto kasi paglabas ko ng sinehan, eh walong minuto na lang bago mag-ikalawa ng hapon. Naghintay na lang ako ng mga dalawampung minuto pa para sa pagadating ng kasama ko.

Sa kabuuan, naging maganda naman ang karanasan ko sa panonood ng Diary ng Panget. Sabagay, wala naman kasi akong kasama kaya walang sinuman ang pwedeng kumontra sa desisyon ko. Isa pa, hindi ko pa nabasa ang libro kaya hindi ko alam ang pwede kong i-expect sa palabas aside sa kiligin ako. Hindi ako nag-expect, kaya hindi rin ako na-disappoint.

Magandang pang-deviate na rin ng mood ang Diary ng Panget. Tama lang kasi ang timpla. Hindi OA umarte ‘yung mga bagets. Bilib nga ako sa mga nagcast sa kanila. Sa apat na main actors (Nadine Lustre, James Reid, Yassi Pressman at Andre Paras), kay Andre talaga ako humanga. Well, hindi naman award-winning ang pag-arte niya, pero ‘yung mga ‘moments’ niya sa pelikula, almost perfect para sa ‘kin. Natural lang sa kanya ‘yung naging pagganap niya sa papel ni Chad.

Oo, ang babaw talaga ng pelikulang ‘to. Kung ihahambing ang diary ni Eya sa ibang diary na nabasa ko, sobrang kababawan nga ang mga ibinahagi ni Eya base sa mga ipinakita sa pelikula (kapag may pagkakataon, ichecheck ko ang libro). Pero kasi kanya-kanyang pag-atake at pagtingin lang din naman ‘yan sa buhay. Masakit lang isipin na ang isang babaeng taghiyawatin ay panget na agad sa paningin ng nakararami. Hindi naman nila kasi kasalanan ang maging ganun. Nakakarelate ako eh. Nakakastress kaya ang sobrang daming pimples tapos ‘yung iba kung makatingin eh wagas. Iniisip ko na lang, kung makinis mukha ko, panigurado sobrang ganda ko na! Yun eh!

Sa mga bumubuo ng Diary ng Panget at sa mall na isinakto ang showing sa oras na tugma sa schedule ko, salamat. Ang laki ng naging pakinabang nito sa ‘kin.

Sa susunod, manonood ulit ako ng mga random na pelikula kapag dumating na naman ako ng sobrang aga sa usapan.

Isasapelikula na rin pala ang Lumayo Ka Nga Sa Akin ni Bob Ong. Baka ito na ang maging kasunod. Sana sumakto ulit sa schedule ko. 😀

 

Photo credits: Image used was grabbed online. Credit to owner.

Advertisements

10 Comments Add yours

  1. optimalbliss says:

    Hello! Nakakatuwa makabasa ng mga ganitong blogposts about DNP kasi fan ako nun eh, sa Wattpad pa lang nabasa ko na sya pero I have not read the book version.

    For someone like your situation na random lang naisipang manood nito + w/o the slightest idea what it’s about, I’m still a bit surprised that some viewers like you find it amusing.

    Natutuwa ako na naririnig kong tama lang ang mga acting and hindi ko naman idedeny na mababaw lang talaga yung depth ng story. Yet, sobrang pang-feel good ang story na to na akma sa mga taong naghahanap ng pananggal stress. Hehee 🙂

    Like

    1. Ang alam ko lang sa pelikulang ‘to, pati sa libro eh tungkol yun sa babaeng panget na nagkaroon ng lovelife. I don’t wanna be overcritical pagdating sa movie na ‘to kasi hindi ko naman talaga ‘to pinanood para i-review. I watched the movie because I needed to burn time. And I can say na nasulit naman ang pera at oras ko.

      Parang mas crush ko na nga si Andre Paras ngayon kaysa kay James Reid. Ok na ok kasi ang acting niya. 🙂

      Like

  2. optimalbliss says:

    I dunno, pero sa trailer pa lang medyo nakukulangan talaga ako kay James Reid. Pero pag naexpose pa siya more sa acting, baka mahasa rin sya.

    That’s good. Kahit nga si Marcelo Santos III tweeted si Andre ang stand out ang acting sa movie. LOL

    Like

    1. Pampaakit lang talaga ang abs ni James Reid eh. But I agree with you, pag naexpose pa siya sa mas maraming acting projects, panigurado may iimprove pa siya. Katuwa naman si Marcelo Santos III, I’m actually following him on twitter.

      Mukhang si Andre Paras nga ang nag-standout sa mga bagets ah, which is very much fine with me. Nakakatuwa lang. 🙂

      Like

  3. optimalbliss says:

    Infairness, I like the song “No Erase”. Hehe :))

    Sabi ng isang kakilala ko, ang tigas daw ng dila ni Yassi mag-British accent?

    Magkakaroon daw ng follow up movie ang JaDine. Laking swerte ng nakuha nila sa DNP noh?

    Like

    1. Gasgas na nga ang kantang No Erase sa playlist ko. Spur of the moment siguro. Parang highschool lang ang peg. Haha!

      Yung pag-bi-British accent ni Yassi sa movie hindi ganun ka-flawless. Well, given naman na kasi hindi naman talaga siya British. Nalabuan lang ako kasi sabi niya sa movie since Kinder nag-aaral na siya sa Willford Academy. Eh di ba Highschool (highschool nga ba?) ang setting ng movie, so mula Kinder hanggang highschool hindi pa rin nawala yung accent niya. Ewan. Ganun ba talaga sa totoong buhay? Ah baka kasi labas-pasok siya sa Pilipinas mula kinder at madalas din niyang kausap ang mga British parents and friends niya kaya ganun. Hinahanapan ko talaga ng justification ang British accent ni Lori. 🙂

      Good news kung magkakaroon ng follow up movie ang JaDine. Kailangan samantalahin ng producers yan habang mainit pa ang tambalan nila.

      In general, I really like the casting of DNP. At least, in a way eh nabigyan ng pagkakataon ang ibang artista na kahit hindi ganun kapopular, na umarte para sa isang pelikula. Kung si Julia Baretto (hindi ko hate ang bagets na ‘to, ayoko lang talaga sa istilo ng pag-arte niya tsaka hindi talaga bagay. Magcommercial na lang siya) siguro ang kinast o yung iba pang popular teen actors ngayon, ewan ko lang kung magiging ganun katindi pa rin ang pagtanggap ng mga manonood.

      Like

  4. optimalbliss says:

    No Erase talaga yung favorite ko hehe ♫

    Well, si Yassi totoong half-Filipina half-British siya. Halata naman kasi yung last name niyang Pressman, hindi pang-Pinoy eh. Pero pag naririnig ko siyang magsalita ng Tagalog, halos walang ibang accent, dala narin na sa Pinas siya lumaki.

    Ang pagkakaalam ko naman sa setup ng Willford Academy, accdg to the book 4th yr accounting student si Eya so meaning…it’s supposed to be up to the post-secondary education. Tska, civilian kasi ang clothing nila sa school eh. Oh well, Willford is an international school kasi dba, ay ewan! hahaha

    Yah generally naririnig ko namang passable ang acting. At least ganon ang case, kaysa naman sa total flop ang movie. Laking eksandalo yan. LOL.

    Pero actually sa Wattpad (original) version, High School lang sina Eya doon eh.

    Like

  5. Yeah. I knew Yassi wasn’t full blooded Filipino. Akala ko ibang lahi niya kasi nga wala talaga siyang ka-accent-accent magsalita. And sa Willford Academy naman, I really thought they were in highschool kasi since International school, baka ganun lang talaga ang set up. At dudulo na naman ‘to sa nilalaman ng diary ni Eya na mababaw kumpara sa pwedeng ibahagi ng isang college student.

    Anyway, all good naman na. At least the movie is doing well. It’s a good thing na naging popular na ‘to sa maraming kabataan bago pa man gawan ng movie.

    Like

  6. optimalbliss says:

    Yeah that’s true. At least kahit may ilang minor setbacks/loopholes ang film, overall it’s good din. Tska given nga na bata pa yung author ng story kaya hindi mo rin masisisi kung hindi in-depth yung kwento. Tulad nga ng sabi, pang-feel good/relax lang yung movie. =)

    Thanks for the follow back! 🙂 Have a nice day!

    Like

    1. Yeah. Thanks din sa follow. And I had a great conversation with you. Have a great week ahead! God bless!

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s