EOP- Eto O Panalo!

“Bakit nga ba mahal kita, kahit ‘di pinapansin ang damdamin ko. ‘Di mo man ako mahal heto pa rin ako nagmamahal ng tapat sa ‘yo.”

Theme song ng English Only Please. Magpakasenti tayo ng kaunti. Gusto ko lang din magkwento, makipagdaldalan sa hangin at siyempre, magsulat.

Ilang beses ko nang napatunayang ang mga lakad na hindi pinaplano ang madalas na natutuloy. Parang pag-ibig, ‘pag hindi mo hinanap, tsaka mo makikita (gusto ko lang ipilit. Pagbigyan. Hehe!).

English-only please

Napanood ko na nga ang English Only Please noong nakaraang Biyernes. Sa wakas! Buti na lang pinalabas na rin dito sa SM Marilao dahil kung hindi, dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari- 1) pupunta akong Maynila para panoorin ‘to; o 2) hihintayin ko na lang ipalabas ‘to sa CinemaOne o online na malamang eh sa mga susunod na taon pa mangyari.

Buti na lang din maaga akong natapos mag-asikaso sa BIR Sta.Maria noong araw na ‘yun kaya nakapunta agad akong SM. Sa may entrance palang eh napa-‘Yes! EOP!’ na ‘ko. Gustong-gusto ko kasi talaga ‘tong panoorin.

Ito na nga, pagpatak ng alas-dos ng hapon, eh sitting pretty na kami ng pinsan ko sa loob ng sinehan at nag-iintay na lang ng ilang minuto bago magsimula ang pelikula.

Masasabi kong sa trailer pa lang na-astigan na ko sa pelikulang ‘to. Hindi naman kami nabigo at nanghinayang matapos namin ‘to mapanood.  Maganda ‘yung istorya. May sense.  Ang galing ng mga translation mula Ingles pa-Filipino. Swak na swak with feelings. Gusto ko rin ‘yung mga parteng may i-fi-feature na salita tapos ‘yung meaning eh ginawang patawa pero may sense pa rin naman.

English Only Please Review Movie Review WICKERMOSS

Pinakanagustuhan ko sa pelikulang ‘to ang naging pag-arte ni Jennylyn Mercado bilang si Tere – ang tinaguriang“Luz Valdez sa love” (ang haba ng apelyido niya. Don’t ask. Paki-google na lang). Ngayon ko lang siya nakitang umarte sa isang Rom-Com. Saktong-sakto lang ang naging pagganap nya at napakanatural kaya na-enjoy talaga namin siyang panoorin. Isa sa mga pinakatumatak sa ‘king linya nya eh yung, ‘Hoyyy! Itodo mo naaaa!! Hoyyyyy!!(ito ‘yung eksena sa coffee shop habang tinuturuan niya si Julian). Ang galing eh. Panalo! Tska komedi talaga. Gusto ko rin ‘yung huling bahagi ng pelikula – sa loob ng bus kung saan eh apurang-apura na siyang makarating sa bahay nila sa Bulacan para maabutan niya si Julian- “ang Bitter Ocampo sa pelikulang ‘to” (na ginampanan ni Derek Ramsay). Epik ‘yung linya nya sa bus driver na, ‘Kung naniniwala ka sa love, bibilisan mo ‘to!!!’ Haaaay..ang tao nga naman ‘pag tinamaan ng bongga, nagiging komedyante bigla!

10898138_656548824454449_2771420213438009441_n

Okay, magpakaseryoso naman tayo ngayon. Ang pag-ibig, hindi tayo dapat ginagawang tanga. Dapat eh ginagawa pa tayo nitong mas matalino. Ika nga nila kaya ‘mas mataas ang utak sa puso,’ eh para hindi lang emosyon ang laging pinapairal natin, kundi pati na rin ang pag-iisip. ‘Yun nga lang sa kaso ni Tere, naging tanga siya. Nagpakatanga talaga siya. Obvious namang inaabuso at pineperahan lang siya ng ex (take note ‘ex’) niya pero sige pa rin siya. Oo nga’t wala namang magbibilang kung ilang beses ka nagpakatanga, pero kung ganun lang din naman eh doon ka na sa tamang tao magpakatanga (credits to Tere for these quotable lines. 🙂 ) Buti na nga lang natauhan siya bago pa mahuli ang lahat (bago pa siya malugi ng husto. Aba’y kung makapagpabili ng IPad eh sagad-sagaran). Salamat naman talaga.

Sa sitwasyon naman ni Julian ako mas nakarelate. I totally understand the feeling of wanting to search for that long lost ‘ex’ (kahit na wala naman akong ‘ex’) just to get the answers you need. Mahalaga kasi talaga ang closure sa pag-mu-move on. Kung ‘yung mga nasa ‘malabong’ relasyon nga na naghiwalay ng landas kailangan ng closure, lalo pa kaya ‘yung mga nasa ‘matinong’ relasyon. Depende na rin kasi sa tao kung anong closure ang makapagpapatahimik sa kanila. Para sa iba, ‘yung paglaho ng isang tao ang closure, pero sa mga tulad ni Julian, iyong muling pagkikitang at pagkakaroon ng sagot sa mga tanong niya ang klase ng closure na kailangan niya.

In the end, Julian was able to establish the closure that he needs. After a series of chase, he got back with Tere and they both lived happily ever after. 🙂

Nakakatuwang isipin na kahit hindi masyadong nai-plug sa TV ang movie na ‘to eh marami pa ring nanood. Nakakatuwa ring isipin na ito ang unang pelikulang kalahok sa MMFF na pinanood ko sa sinehan. Achievement!

Bakit nga ba humakot ng maraming manonood at parangal ang pelikulang ‘to? Para sa ‘kin simple lang ang sagot. Totoo kasi ‘yung pelikula, walang halong pandaraya. Hindi rin pinilit na magsama ng malalaking pangalan sa showbiz para lang makaakit ng maraming manonood.

English Only Please. Grabe ‘to. Simple pero sapul. Panalo!

PS: Ang galing talaga ni Jennylyn Mercado dito! Naging fan ako bigla! Marami pang ibang aspeto ang pelikula na siguradong nakarelate rin ang marami. Kaya kung isa ka sa mga nakapanood nito, congrats din sa ‘yo! Nakakatuwa!

(Photos used are not mine, credits to their rightful owners)

Advertisements

2 Comments Add yours

  1. optimalbliss says:

    Giiirlll! Nako I loooove this review! Mas lalo akong naeengganyo na panoorin to. Wala pa kong matinong copy na mkita online eeh..
    And alam mo tama yung sinabi mo. This movie did not use any mainstream actors para lang makahakot ng viewers. Basically they focused more on the movie’s “art” itself. Tama talaga hinala ko na maganda talaga ang movie na ‘to. Ugghhh I so wanna watch it naaaaa!!!

    I heard nga yung Praybeyt Benjamin wala atang nakuhang MMFF award un eh. Sabi nga ng isang article “hyperstylized” daw yung movie at yung plot is so…err…like garbage? Tska tgnan mo namang ang kasama sa cast! Anak ni Kris Aquino at si Ser Chip. Tapos sa movies ni Vice laging may “hunk” na sinasama eh.

    Hay nako…nakakatuwa na once in a while, movies like EOP exist in Philippine cinema. Sana mas dumami pa ang ganitong tipo, yung sa art ng film mas focused, not on solely marketing and how to gain buck load of money.

    Liked by 1 person

    1. Salamat sa pag-appreciate ng review na ‘to. Hehe! Nakakatuwa! Kahit alam mo nang in the end eh magkakatuluyan sina Julian at Tere, what matters is yung pagkakadeliver ng story nila. Maganda talaga. Simple pero maganda. Nakarelate ako ng kaunti kay Tere kasi nga nagtututor din ako. Hehe! 🙂

      I didn’t even bother to read reviews about Praybeyt Benjamin kasi alam ko na mababasa ko. Basura talaga. Not that I’m taking away credits for their hardwork, pero kasi naman, yung quality ng pelikula, nakakaumay at nakakairita. Pasalamat na lang din sila at marami pa ring nanood ng pelikula nila. Haaay.

      Oo nga, hopefully dumami pa ganitong films dito sa Pinas. Kasi madalas pelikula ng ibang bansa ang naappreciate ko eh. Passe na kasi yung mga love story na drama tapos yung mga nagfofocus sa third party. Kakakasawa na. Sayang lang pera pag pinanood sa sinehan.

      Meron pa kong isang film na inaabangan, yung That Thing Called Tadhana. Buti nga ipapalabas na rin ‘to nationwide on Feb 4. Kaexcite!!! Panoorin mo trailer. This film is directed by Antoinette Jadaone, who is also the writer of English Only Please. 😀

      Like

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s