You Who Came from the Stars- A Story Like No Other

Heto na naman ako. Nagsusulat ng kung ano matapos panoorin ang isa na namang Korean drama series, ang You Who Came from the Stars o mas kilala bilang My Love From the Star

Do Min Joon and Cheon Song Yi

Umikot ang istorya sa buhay nila Cheon Song Yi, isang popular na aktres at modelo sa Korea at Do Min Joon, isang ‘alien’ na higit 400 taon nang naninirahan sa mundo ng mga tao. Akala ko noong una, ‘corny‘ ang palabas na ‘to. Kasi ba naman love story ng isang alien at tao ang binibida. Parang ‘yung kay Edward at Bella lang sa Twilight (na hindi ako ganun nasiyahan sa kinalabasan ng pelikula). Pero mali ako. Malayo sa pagiging ‘corny’ang palabas na ‘to. Hindi rin makatarungan na ikumpara ito sa ibang fantasy themed love story, be it a movie or a series, dahil ibang-iba ‘to. 

You Who Came from the Stars is way, way better than any fantasy themed love story I have ever seen. Nakakabilib din ang mga artista na gumanap sa ibang karakter sa dramang ‘to. Bagay na bagay sa kanila. Hindi oa ang pag-arte. Hindi pilit sa pagiging emosyonal kung kinakailangan. Sakto lang. Sakto lang lahat. Kumbaga napakanatural ng kanilang naging pagganap. 

Goodbye-Cry Min Joon

Sa tuwing umiiyak ang lalaking bida (tulad na lang din kay Choi Young Do ng The Heirs at Park Heung Soo ng School 2013), nadudurog nang husto ang puso ko. Mas apektado pa ‘ko ‘pag umiyak na si Do Min Joon kaysa kay Cheon Song Yi. Iba ang tama sa ‘kin eh. Sabagay, sino ba naman ang hindi tatamaan ng matindi kay Do Min Joon. Kumbaga siya na ang ‘ideal man’ ng mga babae kahit pa hindi naman talaga siya tao. May pinag-aralan. Marunong sa buhay. Gwapo. Mayaman. At higit sa lahat, tapat na kaibigan at ka-ibigan. Gagawin ko rin lahat ng ginawang sakripisyo ni Cheon Song Yi para kay Do Min Joon (naks!). Isama mo na lahat ng ‘baliwan moments’ niya sa drama na ‘to.  

Yoon Jae and Do Min JoonNatuwa naman ako sa kapatid na lalaki ni Song Yi, si Yoon Jae. Kahit mukhang basagulero na ‘highschooler’ ang postura niya eh pagdating naman sa hyung niyang si Do Min Joon eh nagiging masunurin sya. Makikita mo rin dito kung gaano na ka-open minded ang mga kabataan ngayon. ‘Yung usapin tungkol sa ‘alien’ eh hindi na bago at nakakagulat para sa kanila.

Aside from the well thought of love story between Cheon Song Yin and Do Min Joon, I also like the parts that show the deep friendship between Lawyer Jang and Do Min Joon. Kung hindi ako nagkakamali, sa Episode 20 pinakita ‘yung eksena ng dalawang magkaibigan na nagpaiyak na naman sa ‘kin. Hindi nga talaga madaling magpaalam sa isang kaibigang nakasama mo na nang higit 30 taon. Hindi lang basta kaibigan, kundi ‘yung naging tagapagligtas mo na rin at itinuring na anak. Grabe. Nakakadurog ng puso ang eksenang ‘yun.

 

Lawyer Jang and Do MIn Joon MLFTS

Hindi magiging ganito kaganda ang palabas na ‘to kung hindi rin dahil sa iba pang karakter sa istorya. Ang galing ng mga writers dahil nakaisip sila ng mga karakter na tutugma sa istorya, ng mga taong magkakaroon ng importanteng bahagi sa buhay nila Do Min Joon at Cheon Song Yi. Mula sa supporting casts, kontrabida hanggang sa pinakamaliit na role, lahat nagkaroon ng mahalagang kontribusyon para sa ikagaganda ng dramang ‘to. Pati na ang musical scoring, camera works, set, lahat maganda! At syempre ‘yung aral din na makukuha mo mula sa istorya. Ang daming ‘quotable quotes’ dito. Fantasy man ang tema pero panigurado marami ang nakarelate sa istorya at isa na ‘ko doon.

Ang totoo hindi pa ‘ko nakaka-get over sa mga ‘iyakan moments’ dito. Sabi nga nila ‘drama queen’ ako kaya hindi magandang nanonood ako ng mga love stories na tulad nito dahil naooverdose ako. But what can I do? Eh..sa ganun talaga eh. Isa pa, maganda rin sa katawan ang pag-iyak once in a while. 

Do Min Joon

Cheon Song Yi’s almost 30 years old in this drama, which is a good thing for me. 25 na kasi ko. Ibig sabihin may pag-asa pa ‘kong magkalovelife (eto talaga naisip ko eh!). Kaya ‘Do Min Joon’ ng buhay ko, bilisan mo na ang pagdating. Hanggang 29 kakayanin ko maghintay. Kung wala, eh ‘di wala. Pero sa ngayon, aasa muna ‘ko na meron. Suntok sa buwan man na makatagpo ako ng tulad mo, pero hindi pa rin naman imposibleng mangyari ‘yun hindi ba? Sige lang. Hihintayin kita. ❤ 

 

(Photos grabbed online. Credits to their rightful owners.)

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s