Sina Park Heung-soo, Go Nam-soon at ang School 2013

Nakilala ko sa The Heirs si Choi Young Do. Ngayon naman, matapos kong panoorin ang School 2013, nakilala ko si Park Heung-soo. May common denominator ang mga karakter na ‘to – pareho silang ginampanan ni Kim Woo Bin. Oo, si Kim Woo Bin ulit. Hindi naman ako maeengganyong panoorin ang School 2013 kung hindi dahil sa kanya.

fullsizephoto269521

Kung tama ang tanda ko, sa episode 5 na pumasok ang karakter ni Park Heung-soo. Isa siya sa mga bida sa drama series na ito. Noong una, gusto kong siya lang ang maging pokus ng blog na ‘to pero dahil sa sobrang ganda ng School 2013, marapat lang na maglaan din ako ng sapat na espasyo para ilarawan kung bakit isa ‘to sa pinakamagandang Korean drama series na napanood ko.

School 5 (1)

Ang School 2013 ay isang Korean television drama series na umere simula December 3, 2012 hanggang January 28, 2013. Pinagbidahan ito nila Choi Daniel na gumanap bilang Mr Kang, Jang Nara na gumanap bilang Ms Jeong, Lee Jong-suk bilang Go Nam-soon at syempre ni Kim Woo Bin bilang Park Heung-soo. Umiikot ang istorya sa buhay ng mga highschool students sa class 11-2 at pati na rin sa buhay ng mga guro nito – sa kanilang pamamalakad sa eskwelahan at pagtuturo sa mga bata. Ipinakita rin dito ang iba’t-ibang isyu at problema na kinakaharap ng mga kabataan ngayon sa Korea tulad ng bullying, student suicidesschool violence, relasyon ng mga estudyante sa kanilang guro at guro sa mga kapwa guro, pribadong pag-aaral at iba pa.

Ito ang unang pagkakataong nakapanood ako ng ganitong klaseng drama. Salamat kay Kim Woo Bin (eto na naman ako, mukhang Kim Woo Bin). Astig lang talaga nito. Kahit pa karamihan sa eksena ay kinunan sa klasrum at hindi sa bahay, masasabi kong sapat na ang mga iyon para ipakita ang mga importanteng pangyayari sa buhay ng isang highschool student at pati na rin ng mga guro nito.

Hindi lang matatalino, higit na matapang ang mga tao sa likod ng School 2013. Napakahusay nila sa paggawa at pagsulat ng script, pagpili ng mga artistang gaganap at ang buong produksyon mismo, maganda talaga. ‘Di tulad ng karamihan sa mga ‘mainstream’ youth drama series kung saan ang pokus eh puppy love at high school infatuation, dito sa School 2013, mas nagkaroon ng pokus ang mga isyung kinakaharap ng kabataan ngayon na dapat lang pagtuunan ng pansin ng mga guro, magulang at gobyerno.

Gustong-gusto ko yung isang linya ni Mr Kang habang nag-uusap sila ni Ms Jeong. Ani niya, “Ang problema ng mga bata kung titingnan nating matatanda parang wala lang, pero para sa kanila, nakataya na ang buhay nila sa mga panahong iyon.

4171_9

Ang dami kong natutunan at napag-isip-isip habang pinapanood ang series na ‘to. Ang dami ko ring iniluha dahil dito. Isa rin sa mga paborito kong episode ay ‘yung nagtangkang magpakamatay ang isang estudyante nila Mr Kang at Ms Jeong na si Kim Mingi. Buti na nga lang hindi iyon natuloy. Nakita ni Ms Jeong si Mingi sa rooftop ng building. Tumatak sa akin ang mga sinabi niya kay Kim Mingi.

‘Everyone experiences the urge to die. It’s not wrong to get this urge. As a matter of fact, you should be proud of yourself for overcoming it.’

 – Ms Jeong to Kim Mingi

‘Everything passes. It may seem a big deal now but it will come to pass. Being able to endure the passing of hardships is what strength is.’

 – Ms Jeung to Kim Mingi

Totoo nga naman, hindi ba. Kahit pa hindi natin aminin, sigurado akong minsan sumagi rin sa isip natin ang ginawa ni Kim Mingi. Hindi ganoon kadaling mabuhay, pero posible namang mabuhay nang masaya at makuntento sa kung ano man mayroon tayo. May mga pagkakataon lang talagang mas natututo tayo kapag naranasan na natin ang isang bagay. Sa mga pagkakataong muntik na tayong mahulog, doon natin mas napag-iisip-isip ang kahalagahan ng buhay.

school04-00312a (1)

Dumako naman tayo sa tambalang Park Heung-soo at Go Nam-soon, aka HeungSoon couple. Dahil sa kanilang ‘one of a kind bromance’ sa series na ‘to, nagkaroon na sila ng ‘moniker.’ Hit na hit sa mga manonood ang tambalan nila, ang istorya nila bilang isang matalik na magkaibigan na nagkaroon ng hindi magandang nakaraan, muling nagkita matapos ang tatlong taon at kalaunan ay naibalik na rin ang dating samahan. Pero bago pa man maibalik ang dati nilang pagkakaibigan, ay humarap din sila sa maraming problema.

school08-00056a

Some people may say that these characters are just too gay, what with all those hugging, sharing of plates, sharing of blanket, but who cares? I mean, isn’t this the kind of friendship that most of us, if not all, are hoping to have. It’s not about the physical intimacy, but more about the quality of the friendship. 

middle school days

Humans have the tendency to prejudge, particularly those in a boy-boy friendship as gays because of their closeness. Perhaps, we’re just not used to seeing two good looking guys be like that with each other.

I’m sure this kind of relationship do exists in real life, this kind of friendship is definitely possible in real life.

Nahumaling na nga ako sa dalawang ‘to- Park Heung-soo at Go Nam-soon. Iyong mga eksena nilang magkasama, grabe, heavy drama talaga eh. Dito ako nabibilib kina Kim Woo Bin at Lee Jong-suk, lalo na syempre kay Kim Woo Bin. Ang galing nilang umarte. Mararamdaman mo talaga ‘yung klase ng pagkakaibigan na pinoportray nila sa drama na ‘to. Ang dami nilang ‘moments’ dito na hindi ko pagsasawaang balik-balikan tulad na lang sa episode 10 kung saan nagpabugbog si Go Nam-soon para kay Park Heung-soo para tigilan na sila ng mga humahabol sa kanila. Tagos ‘yung binitawang mga salita ni Park Heung-soo kay Go Nam-soon.

“You moron. Apart from soccer you were all I had. When I wanted to die because I had to give up soccer, at least you should have stayed by my side, you jerk. So what I’m saying is, didn’t you miss me, numskull?”

– Park Heung-soo to Go Nam-soon

Sa episode 11 naman ‘yung nagsalita, kumbaga tumestigo si Park Heung-soo sa harap ni Mr Eom para hindi ma-expel sa eskwelahan si Go Nam-soon. Nakasaad kasi sa polisiya ng eskwelahan na hindi pwedeng mag-aral sa iisang eskwelahan ang ‘perpretrator’ at biktima ng school violence. Sa kaso nilang dalawa, si Go Nam-soon ang ‘perpetrator’ at si Park Heung-soo ang biktima.

“There’s no reason for Ko Namsun to transfer. I wasn’t a victim and Go Nam-soon wasn’t the perpetrator. We’re just friends who were very unlucky. We’re in the process of patching things up.”

– Park Heung-soo

Eto naman nangyari sa episode 15, ang pangalawa sa huling episode ng series na ‘to kung saan tuluyan na ngang nagkaayos ang dalawa. Tulad ng nauna, ‘iyak bata’ na naman ako sa eksenang ‘to. Nangyari ‘to matapos makalabas sa presinto si Park Heung-soo (napagbintangan kasi siyang nagnakaw ng cellphone ng kaklase niya). Inimbitahan siya ni Go Nam-soon na kumain ng ramen sa bahay nila.

image

Episode 15 Part 2

Go Nam-soon: How reckless have you been? And why were you so reckless?

Park Heung-soo: I wanted to see if there was another numskull like you.

Go Nam-soon: Why? To beat him up if you ran into one?

Park Heung-soo: To see if there was another you out there.

Go Nam-soon: You numskull. After all I put you through…

Park Heung-soo: And did you have it easy? Have you ever been able to tell anyone you were hurting, you fool? It’s been hard for the both of us. So Go Nam-soon, stop living in such guilt.

Itong eksena sa episode 15 ang pinakapaborito ko. Matapos kasi ang lahat ng pinagdaanan nila, sa wakas, naibalik na rin sa dati ang kanilang samahan. Hindi rin madaling mag-move on mula sa napakasakit na nakaraan ah. Grabe lang. Ang galing ng batuhan nila ng linya eh. Ramdam na ramdam mo talaga. ‘Yung pagtulo ng luha, sakto talaga sa linya nila, hindi pilit, tapos kung paano nila sabihin ang mga linya nila, akmang-akma din. Wala akong masabing hindi maganda dahil nabigyan nila ng hustisya ang mga karakter nila.

122412_school-2013_kim-woo-bin_lee-jong-suk

Bago rin kasi sa ‘kin ang makita ang pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang junior high boys na pokus sa isang drama series. Nasabi ko na lang sa sarili, ‘ah..ganito pala yun. Ganito pala ‘pag naging magbestfriend ang dalawang lalaki. Iba talaga. Parang magkapatid na magbestfriend ang turingan. More than a lover, more than a family..ibang klase.”

At si Kim Woo Bin, walang duda na isa na siya sa pinakamalaking artista ngayon sa Korea at sikat na rin sa maraming bansa. Tulad ng galling niya sa pagmomodelo, napakahusay din niyang artista. Napakahusay at napakaepektibo niya sa mga karakter (bilang Choi Young Do at Park Heung-soo) na ginampanan niya.

Ngayon pinag-iisipan ko kung panonoorin ko na ba ang dalawa pang series kung saan may supporting role si Kim Woo Bin (A Gentleman’s Dignity at A White Christmas) o kung uulitin ko ang panonood ng School 2013.

Medyo napahaba na tuloy ang blog ko. Gagawan ko na lang ng hiwalay na entry siguro si Kim Woo Bin bilang Park Heung-soo. Marami pa kasi akong gustong sabihin tungkol sa kanya. 🙂

Kung mayroon din kayong pagkakataong panoorin ng buo ang School 2013, panoorin niyo rin ‘to. Sulit na sulit ang oras niyo. 🙂

Photo credits: All images used were grabbed online. Credits to owners.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s