Si Choi Young Do

Dahil may hangover pa ‘ko, lulubus-lubusin ko na ang pagpapahayag ng aking saloobin.

Natapos ko nang panoorin ang The Heirs kahapon, isang Korean Drama Series tungkol sa buhay ng mga piling highschool students na tagapagmana ng negosyo/korporasyon ng kani-kanilang pamilya. Love story na rin para sa ilang karakter. Heavy drama. Sagad. Ang ganda pala nito. Ang dami kong ‘iyak moments’ habang pinapanood ‘to.

Pinakatumatak sa akin ang karakter ni Choi Young Do na ginampanan ng isang magaling na aktor na si Kim Woo Bin. Siya ang tagapagmana ng Zeus Hotel, ‘the bad guy’, matalino pero hindi naman ginagamit ng maayos sa pag-aaral, at isang taong lubos na nagmahal kay Cha Eun Sang, na ginampanan ni Park Shin Hye. Mas naantig ako sa istorya niya kaysa kay Kim Tan (Lee Min Ho), isa pang bidang lalaki sa series na ito. Siguro dahil nakakarelate ako sa pinagdaanan niya pagdating sa pag-ibig.

Si Cha Eun Sang ang first love ni Choi Young Do. Pero tulad ng madalas mangyari sa pelikula at sa totoong buhay, hindi rin sila nagkatuluyan dahil may mahal nang iba si Eun Sang at iyon nga ay si Kim Tan.

Young Do and Eun Sang

It really takes a tough man to cry for the woman he loves. And Choi Young Do definitely showed how tough he is.

Kahit minsan may pagka-brutal at bully si Young Do, pagdating naman kay Eun Sang, nagiging malambot siya, maalalahanin, mahina at sobrang mapagmahal. Lahat gagawin niya at kakalabanin niya para lang maipagtanggol si Eun Sang. Kahit pa magmukha na siyang tanga sa mga pinaggagagawa niya para lang mapansin siya ni Eun Sang eh wala siyang pakialam. Basta gagawin niya ang lahat ng kaya at pwede niyang gawin para sa babaeng mahal niya. Ngunit kalaunan, napilitan na rin siyang gawin ang bagay na mahirap gawin- ang magparaya.

He eventually let go of Eun Sang. He knows Eun Sang will never be his to begin with and perhaps, he just got tired of hoping..of waiting..of dreaming that someday..someday..she will be his and he will be hers. It happened in the 2nd to the last episode where he asked Eun Sang to eat out, and right there and then, he finally said his goodbye.

Naantig ako sa mga sinabi ni Young Do kay Eun Sang. “Pinapakawalan na kita. Hindi na tayo dapat magkita pa. O kung magkita man tayo, huwag na tayong magpansinan. Hindi rin tayo pwedeng maging magkaibigan. Ang pwede ay maging isang alaala ka na lang.”

Si Eun Sang na mismo ang nagtanong kay Young Do kung pwede silang maging magkaibigan man lang, pero tinanggihan siya nito. Ganun na lang ang tindi ng sakit na naramdaman niya na mas ginusto niyang mawala na talaga sa buhay niya si Eun Sang. Sa sobrang sakit, kahit ang simpleng pagbabatian ay may kaakibat na pagdurusa, kahit ang kagustuhan mong matulog nang mahimbing sa gabi ay nagiging bangungot dahil sa paulit-ulit na pagbabalik niya sa alaala mo. Ang sakit lang. Sobra.

Choi Young Do_hurting

Hindi mo rin naman masisisi si Eun Sang sa naging desisyon niya. Hindi naman kasi natuturuan ang puso sa kung sino ang pwede mong mahalin. ‘Yun lang, sa isang love triangle, lagi’t-laging may isang higit na masasaktan. At sa sitwasyon nila, si Choi Young Do ang naiwang umiiyak.

Gaaaaah! Grabe! Ganito talaga ako magdrama ‘pag apektado ako nang husto sa pinapanood ko.

Sana may The Heirs 2. Sana may happy ending din ang love story ni Choi Young Do. 

 

Photo credits: All images used were grabbed online. Credits to owners.

Advertisements

6 Comments Add yours

  1. optimalbliss says:

    Shiyet! Diba pinalabas to jan sa Pinas? maganda ba tlg ang The Heirs? Para kasing ang cliche na ng plot nung binasa ko.

    Liked by 1 person

    1. Pinapalabas ‘to ngayon dito. Mga 2 weeks palang. Tinapos ko panoorin via drama.net. Ngayon lang ulit ako naengganyo panoorin ang isang Koreanovela ng buo. Medyo cliche na ang plot pero pag pinanood mo panigurado matutuwa ka. Maganda ang istorya tska magaling talaga mga artista. Yung gumanap na Choi Young Do na si Kim Woo Bin grabe sa kanya talaga ko humanga ng sobra. Napaka-effective niya sa character na ginampanan niya.

      Liked by 1 person

  2. optimalbliss says:

    Ohh ganon ba. Hay cge pg ginanahan ako manood.

    Btw, may FB ka ba para makapag-chat tayo? (if u don’t mind) 😀

    Liked by 1 person

    1. Yes yes, I do have an FB. Search mo lang Mary Grace Sorio Albario. May twitter din ako @marymemary13. Ok yan para makapagchikahan pa tayo! 😀 😀 😀

      Like

  3. optimalbliss says:

    Followed na kita sa Twitter! 🙂 Kaso sa FB, wala ka na nung ‘add friend’ na button but I left a message. Hope you’d see it 🙂

    Liked by 1 person

    1. I followed you back sa twitter. Inadd na rin kita sa FB. Yey! 😀

      Like

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s