Kahit Papaano

Hindi ko alam..pero pakiramdam ko napakamailap ng pag-ibig sa ‘kin- iyong pag-ibig na totoo, wagas at pangarap ng bawat isa. Hindi na rin naman ako bumabata. Naiinggit lang siguro ako dahil karamihan sa mga kaibigan ko simula pa noong highschool at college eh mayroon nang mga mahal sa buhay. ‘Yung iba pa nga eh nagpakasal na at ilang buwan na lang ay makakabuo na talaga sila ng isang pamilya. Masaya naman ako para sa kanila. ‘Yun nga lang, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inggit. O baka namimiss ko lang din ang may sinisinta, ang may inaalagaan at oo, ang may minamahal.

Ang hirap lang, iyong taong minahal mo nang higit apat na taon eh hindi rin naman mapupunta sa ‘yo. May tatlong taon na rin akong nasa ‘moving on’ stage. May epekto pa rin sa ‘kin kapag nakikita ko ang mga larawan niya sa Facebook. Kumbaga may kirot pa rin sa puso. Noong isang araw lang habang tumitingin ako ng mga litrato online, binalak kong burahin na ang album kung saan kasama siya sa mga kuha. Kaso naisip ko, sayang. Sayang naman kung buburahin ko ‘yun. Isa kasi ‘yun sa mga naiwan niyang magandang alaala sa ‘kin. Naging masaya rin naman ako. Sobrang saya na hindi ko na naisip na maaari rin pala itong matapos. Kaya noong dumating na ‘ko sa ‘ending’, nahirapan talaga akong tanggapin na tapos na nga kami..kung ano man ang mayroon sa pagitan naming dalawa.

Wala naman akong magawa. Dapat pala nung una palang, ako na ang lumayo. I should’ve been the one who got away. Kaso hindi iyon ang nangyari.

Hindi ko na mababalikan ang nakaraan. Ayoko na ring gawin ‘yun. Kapag patuloy akong nabuhay sa kahapon, ako lang din ang kawawa.

It takes time before one can fully move on and let go of the bitter past. I’m definitely taking my time.

Paunti-unti. Paipod-ipod. Kahit ‘baby steps’ sa ngayon, ang mahalaga nakakamove on na ‘ko kahit papaano. 🙂

Advertisements

7 Comments Add yours

  1. optimalbliss says:

    Hi ateng! Long time no talk na ‘ko sayo. Grabe nakakarelate ako sa post mo. Kahit ako rin naman, nakakaramdam rin ng konting inggit sa mga friends/kakilala kong may mga boyfriend na years na ang tagal ng relasyon. Iniimagine ko rin kung ano ung feeling na may nag-aalaga at nagmamahal sayo. Ung tipong kasama ka sa mga pangarap niya for the future. (shet ang deep).

    Siguro hindi pa binibigay ni Lord sayo ang true love mo kasi nga ayan, hindi ka pa fully moved on. Pero dadating ka rin dyan teh! Tiwala lang. Enjoy what’s in the present. 🙂

    You deserve to be happy..and that happiness will come along. 😀

    Liked by 1 person

    1. “Siguro hindi pa binibigay ni Lord sayo ang true love mo kasi nga ayan, hindi ka pa fully moved on. Pero dadating ka rin dyan teh! Tiwala lang. Enjoy what’s in the present. :)”

      – natuwa naman ako dito. Salamat. Oo nga, tama ka. Kaya siguro hindi ko pa siya nakikilala kasi hindi pa talaga ako nakakamove on. Ayoko namang maging panakip-butas lang sa nararamdaman ko si ‘beloved’ (tawag ko yan sa magiging kasangga ko habambuhay). Salamat ulit! God is the writer of our love story kaya tiwala lang talaga.

      God bless! Cheers to a beautiful life! 🙂

      Liked by 1 person

      1. optimalbliss says:

        Totoo yan. Even though hindi ko naman naranasan, masakit talaga na panakip butas ka lang. Na second choice ka lang. Naka-ilang pelikula na ba ang nagpakita nun. HAHAHA

        I know I’m no love guru pero I can tell, when our one true love comes, it’ll be worth the days of being single. Mehehhee :))

        Balitaan mo ko pag dumating na sa’yo ah? And I’d do the same 😉

        Liked by 1 person

  2. Yes! I definitely agree. There is good in waiting, especially if we are waiting on the Lord. Sige sige babalitaan kita agad pag dumating na siya. Ikaw din, ichika mo sa ‘kin agad ha. 🙂

    Liked by 1 person

    1. optimalbliss says:

      Sureness! Haha :)) Nako, ang swerte sa’tin ng true love naten hahahahhhaa

      Liked by 1 person

      1. I definitely agree!! Maswerte talaga sila! Naku, yung mga tulad natin eh one in a billion na lang noh. 😀

        Liked by 1 person

  3. optimalbliss says:

    Tumaah! Haha :)) Wala na silang hahanapin pang iba.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s