Miracle in Cell No. 7: Ibang Klase Talaga

Image

 

“I’m really sorry. Please help me.”

–          Ang mga huling salita ni Lee Yong Goo

 

Nagmakaawa siya. Ilang beses siyang humingi ng tulong. Ibinaba ang sarili para sa kapakanan ng nag-iisa niyang anak na babae…

‘Don’t expect life to be fair.’ Ika nga nila. Totoo naman. Huwag kang umasang patas ang buhay. Huwag mong hilinging sumang-ayon sa ‘yo ang lahat dahil kahit kalian ay hindi iyon mangyayari.

Ang pagiging ‘unfair’ ng buhay ang nagsisilbing balanse ng mundo. Kaya may maputi, dahil may maitim; kaya may mayaman, dahil may mahirap; kaya may mabuti, dahil may masama. Ganyan ang buhay.

Miracle in Cell No. 7. Ibang klaseng pelikula. Kung sa panonood ng Blind Side eh free-flowing ang luha ko sa isang mata mula umpisa hanggang katapusan, dito naman naging free-flowing ang luha ko sa kaliwa’t kanan pati na rin ang sipon naging free-flowing din na may add-on pang hikbi. Naabutan pa ‘ko ng Nanay ko kanina na magang-maga ang mga mata. Sabi ko na lang, nakakaiyak kasi ang pinapanood ko.

Pero ang totoo, hindi naman talaga nakakaiyak ang pelikula. Nakakadurog ito ng puso. Kumbaga ang mga luha ko, sipon at hikbi ay resulta na lamang ng pagkadurog na nararamdaman ko. Ang hirap magpigil ng emosyon eh. Kamote talaga. Kung naikokonvert lang ang kada litro ng luha sa isang slice ng blueberry cheesecake, malamang may isang taong supply na ‘ko ng pagkaing ‘to.

Grabe lang. Sa mundo ng mga bilanggo, makikita mo na ang iba’t-ibang uri ng tao, ang iba’t-ibang paraan ng kanilang pamumuhay, ang iba’t-ibang diskarte nila para mabuhay…at ang iba’t-ibang dahilan nila sa pananatiling buhay. Normal man o hindi sa paningin ng karamihan, sa huli, pag-ibig pa rin ang puno’t dulo ng lahat. Sa sobrang pagmamahal mo sa pamilya mo, nakakagawa ka ng masama o ng mabuti, natututo kang magsakripisyo o kaya naman ay natututo kang maging gahaman. Dahil sa pagmamahal, posible kang umabot sa puntong kailangan mo na rin magmatigas o kaya naman ay lubusan kang magpakagago, magpakatanga…magpakamartir.

Miracle in Cell No 7a

Pag-ibig ng ama sa kanyang anak. Tunay ngang hindi matatawaran, hindi masusukat, ni hindi matutumbasan ninuman.

Pag-ibig ng anak sa kanyang ama. Hindi mapepresyuhan, hindi mapapantayan, at kailanman ay hindi ipagpapalit ng isang magulang sa kahit ano pa mang yaman sa mundo.

May limang oras na ang nakalilipas simula nang pinanood ko ang pelikula. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit. Papa’s girl ako eh. Kaya siguro ganoon na lang din ang tindi ng epekto sa ‘kin nito.

Magang-maga pa rin ang mata ko.

Ibang klase. Ibang klase talaga.

 

Photo credits: All images used were grabbed online. Credits to owners.

Advertisements

4 Comments Add yours

  1. optimalbliss says:

    Na-fefeel ko hanggang dito sa pwesto ko yung emotions mo about this movie. Wow, this post seems to go hand-in-hand sa latest post ko. Parang heavy drama tong movie ah.

    Liked by 1 person

    1. This movie made my heart ache big time. Grabe talaga. Papa’s girl kasi ako eh. I’ll check on your post din. Heavy drama nga ang movie na ‘to. If you have time, watch it. Sobrang sulit ang 2 hours mo. 🙂

      Liked by 1 person

      1. optimalbliss says:

        I’ll try sa bakasyon 🙂 hehe. At least nag-post ka dito, para if ever I forgot the title, reference ko yung post mo. Well, about sa post kong relate dito…eto yung “Medyo Bad Trip” ang title. kasi nabanggit mo dito yung life is unfair thingy.. hahahah

        Liked by 1 person

  2. Oo nga nabasa ko yung post mo na yun. Medyo bad trip nga pero may mga ganun talagang pangyayari. At least you did everything you can, and in the end, you will have no regrets. God bless in your studies. I’m sure kakayanin mo yan. 🙂

    Like

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s