Sarbey

Para sa isang taong mahilig sa tanungan. May limang taon na rin simula noong una ko ‘tong sinulat. Ang mga sagot sa sarbey sa ibaba ay totoong nanggaling sa aking mga kaklase. Naging pampawala ko na rin kasi ng antok ang pagsasarbey noon. 😀

Sa apat na taong inilagi ko sa PUP sintang paaralan, marami-raming propesor na rin ang aking nakadaupang palad. Mayroong mga propesor na tumatak na sa aking puso’t isipan dahil sa angkin nilang talino sa kung ano mang asignaturang kanilang itinuturo at pati na rin sa kanilang kagalingan sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman at karanasan sa kanilang mga estudyante. Sa kabilang banda, mayroon namang mga propesor na sa buong semestre ng kanyang pagtuturo, bawat araw ay hinihiling ko na sana’y matapos na lamang ang kanyang klase sa isang kisapmata. Ang dahilan? Lubha kasing nakakaantok at pareho lang din naman ang matutunan kapag binasa ko ang aking libro. Sa madaling sabi, mas mabuti pang ang libro na lang ang aking basahin at pag-aralan.

May isang tagpo sa isang klase ng mga estudyanteng nasa ikatlong lebel kung saan minabuti ng isang tagaroon na magpakalat ng sarbey upang labanan ang antok na dulot ng porma ng pagtuturo ng kanyang propesor sa asignaturang _ _ _ _ _. Para na rin may pagkaabalahan siya habang hinihintay na lumipas ang isa’t kalahating oras. Heto ang mga nakuha niyang kasagutan mula sa tanong na kanyang ipinikalat na nakasulat sa kalahating piraso ng yellow pad.

November 20, 2008

ANG TANONG: Ano ang iyong masasabi sa porma ng nagyayaring talakayan sa _ _ _ _ _?

ANG MGA SAGOT:

– Muntik na kong maganahang makinig…sobrang enjoy…enjoy matulog…

– The [WEATHER REPORT] à kanta ni Cynthia Alexander. Iyan ang magiging theme song ng _ _ _ _ _ class ng bichiar kay Ma’am!!! Waahah BACK OFF!!!

– Ay? No comment (with matching drawing ng isang mukhang hindi maintindihan na may malaking tenga sabay sabing…) à ang ingay ni ____!

– Di ko alam kung manhid siya o ayaw lang niyang tanggapin na hindi siya karapat dapat pakinggan! Sana pala nagdala ako ng BANIG! Pampatulog ang boses ni ____ à REPLY Hahaha!

– Anong oras na?!

– Nagiging one way ang talakayan. Mabuti pang wag na siyang magturo. Ni hindi man lang niya magawang tumayo sa kinauupuan niya. Sad but true. L

– anu toh?? Sama niu! Ibibigay ko toh kay ____!

– wahah! Tara ibigay nten! Baka sakaling pag-alis niya ng rum na 2 at pgkabasa nito eh magreflect siya!! J

– NAYZ! Good sajeschon!

–  eniweiz, ang bad niyo kay ____. ____ worthy of our atenxon nman e…you know. Sortah kindah chorvah…eniwei may mesaj ako kay ____…____…GET LOST…(with matching super duper smiling fez) haha! JOWK LANG!

– kawawa naman si ____…kawawa rin po tau…

– BORING L

– ang nakabibinging katahimikan sa klase ni ____ ay manipestasyon na may na222nan tayo sa klaseng ito.”Those who think they know it all, annoy us who do”

– kasalanan ba ni ____ kung lagi siyang inaatake ng arthritis? At least wala siyang sore throat, -à DAPAT MAG-ARTHRICIN O KAYA MAG-PAU SI ____ o kung di epektib, manood siya ng Wowowee! Araw2! Wahaha!

– homeroom subject ata napasukan ko (nap time, haha!) Sayang!

– anung kaguluhan toh? Paphotocopy ko toh yih taz pasa kay ____ kasama s nxt assign, hakhak. Alala ko si _ _ _ – _ _ _ _, peo atleast c _ _ _ – _ _ _ _ tumatayo. Hekhekk!

– (drawing ng isang kamay na nakapormang—WHATEVER!)

Lumipas na nga ang isa’t kalahating oras. Marami-raming sagot din ang nakalap niya at nalabanan na rin niya ang antok. Salamat sa sarbey. Uwian na!

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s